Not Okay

Why people think it is okay to bully their own friend?

If someone is not comfortable of you making fun of her, in my point of view, that’s bullying. SO YOU STOP. it doesn’t matter if she’s your friend. it doesn’t matter if you think she’s being ‘KJ’—’KILL JOY’ because as a friend, you are not supposed to make fun of her mistakes and failures, but you’re a friend. you cheer her up. I’m not saying it is your duty to cheer her or to be someone she can always lean on. but it is definitely not you being her friend gives you the authority to bully her. that’s a whole new level of stupidity. 

Nowadays, people don’t care how people will feel if they say such things to someone, they don’t care how it can affect her. And if you’re being bullied by your peers, you don’t let those words take over. Be true to yourself and tell them you don’t like how they treat you, and if they left and chose to ignore you, then let them. Life is so short to be with a circle of group who doesn’t know how to respect others. Friends don’t make you feel uncomfortable. Friends are someone you can laugh with, not someone who’ll laugh at you.

Ano pa bang Pwede kong Isulat?

ang tagal kong nawala pero ang dami kong drafts na naiwan. dumaan na birthday ko, naka-50 hours na ako sa isang ojt ko, nagtatry na rin ako ng bagong journal, pero naiisip ko talaga ano pa bang pwede kong isulat? minsan aabot sa time na nalulungkot ako kasi nawawalan na ata ako ng idea, pero babalik pa rin ako at babalik kasi nga gusto ko pala nito, gusto ko dito, gusto ko talaga ‘to, gusto ko talaga magsulat. pero syempre kulang pa knowledge ni ati girl so nagbabasa talaga ako ng novels, kakatapos ko nga lang sa Anna Dressed in Blood, ayun bongga ratings ko kasi hilig ko talaga mga ganung genre. minsan kukuha ako ng ideas, “kung magbook reviews na lang kaya ako?”, onga naman, bakit hindi diba? marami-rami na rin akong nabasa, kaso sabi ko “hindi naman ako ganun karunong pa sa english”, so, ano nga bang point ko?

ano nga bang point ko?

isa akong mass comm student pero ‘di pa rin ako fluent sa english. hindrance? oo ata bes. kasi expected ata bongga na kami dun lalo pa’t 4th year na ako. nakakahiya ba? oo, nahihiya ako. nakakababa ba ng confidence? oo, sobra. sumabak ako sa interview na kinakabahan kasi english ba o ano? ano bang panlaban ko? super baba ng tingin ko sa sarili ko pero super thankful ako kasi nandyan friends ko. ako kasi si takot sa rejection. sino bang hindi? eh tanong ba naman samin ng prof namin dati, “how are you a mass comm student yet you can’t express yourself in english?” mga 100 times sa buong sem yun bes, so yun tumatak sakin. super natatakot ako sa future ko, pero sabi ko “magbabasa ako kasi makakatulong daw ‘to” at oo. dati ang tagal ko magbasa ng novel na english, pero ngayon 2-3 days na lang. pag may ‘di ako naiitindihan, webster agad nandyan. sa ngayon, masaya na ako dun kasi nakikita at napapansin ko na may improvement. so, ano nga bang point ko?

so.. ano nga bang point ko? 

nag-umpisa ako magsulat ng feature articles last year trying hard mag-english at palyado sa grammar, kasi super gusto ko magsulat. gustong-gusto ko magsulat. pero sabi ko “nahihirapan at nahihiya ako.” kaya dito ako naglalabas sa wordpress, malayo sa judgmental na mundo ng facebook, sa mga ilang kaklase ko na makajudge sa english eh akala mo perfect, walang masama magtry, okay? walang masama. kaya sana kung nagtatry yung isang tao, wag tawanan bagkus turuan, eh kaso nga, eto na tayo ngayon.. nakita ko mga poems and thoughts nyo na super natutuwa ako kasi may tagalog, like “omg pwede pala?” mga ganung moments. kaya simula nun nagtry na rin ako. nagtry at magtatry pa. super ine-encourage ko yung iba na nahihiya at natatakot magtry kahit gusto nila.  

gaya nga ng tanong ko, ano pa bang pwede kong isulat?

Marami pa akong pwedeng isulat, mga tula, novela na maaaring maging teleserye o isang pelikula, encouraging blogs and thoughts, marami. sobrang dami. etong simpleng naiisip kong ‘to, naisusulat ko rin ‘to, lahat ng bagay na naiisip mo at gusto mo ay maaari mong isulat. hindi basehan ang lenggwahe, nasan ka ba? at least handa kang matuto diba? sa susunod, galingan mo na.

One little tip, READ.


Shape of You

I’ve also experienced being called by nicknames such as “taba”, “baboy” (pig) when I was younger because I’m voluptuous or chubby. Experienced being rejected by peers, of course no one wants to be an outcast, yet, we belong in a society where we are judged by our appearance, how we look, how we talk, how we dress, our size and shape, et al.

I have read “The Princess Saves Herself in this One” by Amanda Lovelace, and I’d rate it 6/5. It is such wonderful book with thoughts and poems which you can also relate yourself with. I want to share what are my favorite piece from the book.

Society is what it is. It is made of different people with different beliefs, culture, different perspectives, but they are not the one who will tell you to stop, they are not to label you where you should be. We are made to flaunt ourselves whatever our size is. Always believe that being voluptuous or fat is not a reason for you to see yourself as an outcast because whether you are fit or not, let’s accept that this is our society now, whatever you do, how you look, they will say what they want to say even if it can hurt ones feelings. You should start believing in yourself because at the end of the day you is all you have. don’t be affected of what they say. don’t give them the satisfaction every time they see that you’re hurting, because what they say won’t matter in the end.

Let’s end body shaming! Go out and sashay! 

‘If it’s Unwanted, It is HARASSMENT’ —MTPD

r-catcalling-large570

Gusto ko makipagkwentuhan sa inyo and at the same time, gusto ko rin i-explain ang side ng ibang nakakaranas nito.

Catcalling

Paninipol

Pagtawag ng kung anu-anong katawagan sa isang babae/lalaki.

Pagtitig at pagsunod ng tingin sa isang babae/lalaki.

Online catcalling.

At kung anu-ano pa, sige, idagdag niyo na.

Sige mga bes, tutal equality rin naman ang isa sa pinaglalaban ko. alam kong hindi lang babae ang nakakaranas nito, kundi may mga lalaki rin talaga.

At oo ha, hindi rin ligtas ang mga babaeng katulad ko na hindi kagandahan sa mga ganitong senaryo.

Hindi naman talaga ako pansinin, hindi ako sanay, at lalong ayaw ko masanay kasi ayaw ko rin naman nang pinapansin ako, pero, kaso, kahit ano ata itsura mo, suot mo, kung makitid, bastos, at walang modo ang naka-encounter mo, mangyayari at mangyayari pa rin yun sayo. Ako yung tipo na kung may nagba-basketball sa isang court o isang daan, mas mabuting umikot na lang ako ng way kahit malayo, go lang kaysa mapansin ako. opo, iniisip ko rin kayo. hindi ko pa rin kayo fully huhusgahan, ayaw ko pa rin makaabala sa laro nyo. Ako yung tipo na hindi nagsa-sando pag lumalabas, oo, biniyayaan tayo ng konting future pero hindi ko yun ibinabandera kaya mas gugustuhin ko pa rin na magt-shirt na lang pero, oo, nagsho-shorts ako pero hindi yung “short na nga tapos short pa” yes Shehyee. nag-i-skirt din ako, pero yung yung formal attire ang itsura at uniform ko sa school, sure naman ako na hindi namin kasalanan na yun ang uniform namin. Hindi rin ako yung tipo na palakaibigan nang basta-basta sa mga lalaki at ayaw rin naman nila ako kaibiganin, hindi ako nakikipag-inuman, wala tayong bisyo mga igan.

Alam natin ang tingin ng isang nag-a-admire sa isang manyak. minsan nga pag tinitignan tayo, sige palampasin na lang natin kasi wala namang ginawang kapansin-pansin, lalong wala ‘to sa “pag pangit yung tumingin, manyak. pag pogi, nag-a-admire” bes, kung sa iba ganun sila, may iba pa rin na hindi ganun at syempre isa ako dun, bukod sa loyal ako, at lalong hindi ako gustuhin, eh hindi ko rin hilig mapansin. maraming maitsurang basketball player, pero bakit hindi daanan? wala sa muka yun, mapapansin talaga natin ang tingin ng isang MANYAK sa tingin na simple lang, tingin na ‘baka naman maganda lang ako today’ ganern.

Skirt ang uniform namin sa school at madalas nagca-cardigan na ako sa itaas para matakpan ang blouse ko dahil sa ating future at dahil gusto ko rin naman. minsan umuuwi na ako nang mga 8-9pm depende sa traffic, siguro 11pm pinakalate dahil minsan may activities na kailangan ng practice at mabuti tayong estudyante. siguro mga 2 years ago, etong lalaking ‘to na walang modo, eh lagi akong sini-sitsitan, minsan sasabihin, “pahingi naman ng number mo ineng para sa pamangkin ko” bes, dinadaanan ko na lang, wag na lang natin pansinin. kahit halos every other day lagi akong pinapansin siguro sinanay ko na lang sarili ko na wag nang pansinin kasi nga baka wala lang magawa sa buhay nyang puno ng kwenta. ISANG GABI, nilapitan nya ako, itago na lang natin sa pangalang “Ogag”, siguro nasa edad mid 30s na si Ogag, so ako si mabait, ginagalang ko pa sya. nasa labas ako at hinihintay mama ko, naaalala ko pa, umuulan nun. nilapitan nya ako at nagsimulang magtatanong, “anong oras uwi mo bukas?”, syempre sa pag-aakala na baka naman mabait ‘to? medyo sinagot ko pa ng konti yung tanong hanggang sa naweirduhan na ako sa mga tinatanong niya, “may boyfriend ka na ba?” “pahingi ng number mo” “kain tayo bukas”  kakain daw kami, naisip ko bakit di niya ipakain sa anak niya yun? kasi nga tanga, walang modo, bastos. OO, naaalala ko pa lahat. Simula nang gabing yun nabuo yung takot sakin na baka ano gawin nito at nandun din yung pandidiri, oo, kadiri sya. hindi ko inakala na ganun ako matatakot kasi malakas ang tingin ko sa sarili ko pero nanggigigil ako kasi hinayaan ko, kasi wala ako magawa para sa sarili ko. hindi ko sinabi sa mga magulang ko, natuto ako magdala ng blade kahit sa labas lang ng bahay, kahit bibili lang ng candy pero mas mabuti na hindi na talaga ako lumalabas kundi school at bahay na lang. Hanggang naglaon medyo humupa yung takot sa puso ko, pero hindi tumitigil yung mga pambabastos nya. yung simpleng pag-hi sakin, feeling ko sobrang nababastos na ako. yung pagsitsit, yung pag-hoy sakin lalo na pag may kausap ako sa cellphone at nung time na yung nag-init ang dugo ko. nainis ako sa sarili ko kasi feeling ko sinasanay ko na binabastos ako. napuno ako at sa ‘di inaasahang pagkakataon eh nakaharang sya sa dadaanan ko kaya sinabihan ko sya nang pasigaw ng “TABI” yun lang yung salita na nakaya kong bitawan para sa sarili ko sa lahat ng pambabastos nya. parang ang hina ko. sumagot pa sya ng “ano? ayos ka ha” parang hindi niya ine-expect na lalaban na ako, na sasagot na ako. hinugot ko ang lakas ng loob ko para sabihin na “bakit? manyak ka diba?” at pag makapal ang muka mo syempre sasagot sya ng, “PANO MO NASABING MANYAK AKO? NADALI BA KITA?” at nagsasabi pa na sasampalin ako. SUPER TRIGGERED AKO BES. hindi ko na ikekwento ang palitan nang mga linya hanggang sa marinig ng mama ko, pero ang nakakaloka lang dun eh ibuking nya ang sarili nya “pinapahingi ng katrabaho ko yung number nya”, lumapit sakin ang kapatid ni Ogag na parang tumatawa at hindi naniniwala, at siya ang nagsorry. bakit siya? Hindi siya ang gumawa nun para tanggapin ko ang sorry niya. it’s more fun in the Philippines nga mga igan!!! ang kapal ng muka gumawa ng kalokohan pero pagdating sa paghingi ng kapatawaran nawawala yung angas.

Hindi ako palapansin sa mga issue sa lipunan, pero hindi sa wala akong paki, kundi takot ako mabatikos pero gusto ko i-open at maglakas ng loob. alam naman natin na magkakaiba pa rin tayo ng opinyon sa bagay-bagay, at OPO, GINAGALANG KO PO YUN. pero ito po yung akin. 

1. HINDI PORKET HINDI MO NADALI YUNG BABAE O LALAKI EH HINDI KA MANYAK, simpleng pagcatcall, pagsipol, pagsitsit nang may halong kamanyakan o maramdaman lang ng biktima na nabastos siya, oo, manyak ka na. It is form of sexual harrasment, street harassment. Mahiya ka naman pano kung sa anak mo, sa nanay mo, sa kapatid mo nangyari yan?

2. KAILAN PA NAGING COMPLIMENT O PAPURI ANG CATCALLING? yung tipong dapat matuwa ka pang binastos ka kasi parang ang ganda o pogi mo pala pag nabastos ka na. walang ganon mga igan, maraming maganda at maayos na way para maiparamdam sa isang babae o lalaki na maganda o pogi siya pero hindi sa ganong paraan. Be creative with a heart!

7f8182f5ebff54c7d0e1ade6bd2cb308

3. HUWAG SISIHIN ANG BIKTIMA. STOP VICTIM BLAMING!

HINDI KO NAMAN ATA NILAHAT LAHAT NG LALAKI O BABAE. HEHE 😚