Anong meron sya?

madalas na tanong kasi sakin ng mga kaibigan ko..

wala namang iba sa kanya. 

wala ring espesyal sa kanya.

siya lang yung tipo ng lalaki na maaari mong makita sa tindahan sa kanto n’yo, bibili ng candy. pwede mo rin siya makita sa computer shop sa tabi ng school mo, nagli-League of Legends. o baka naman nandiyan s’ya sa may fishball-an sa tapat n’yo. 

simple lang s’ya. iba daw siya sa lahat ng posibleng maging crush ko. naka-salamin s’ya dulot ng ilang taon na pag-aaral sa kursong mahal na mahal niya at wala syang balak sukuan—engineering. hindi siya perpekto, hindi s’ya ubod ng talino, sa katunayan ay ang tawag niya sa pangongopya ay ‘diskarte’ na aking hindi sinang-ayunan. at oo, hindi siya ubod ng talino kung sa inyo manggagaling dahil ikaanim na taon na niya sa pag-aaral pero 2nd year college pa lang ‘ulit’ siya. oo, bumagsak siya. ewan ko ba, gusto ko pa rin sya. andito naman ako para hilahin siya pataas at suportahan siya—ngunit bilang kaibigan lamang dahil mukhang yun lamang ang nais niya. pero sobra na yung talino nya para mapanganga ako sa kanya.. may sarili siyang opinyon sa bagay-bagay at handa nya itong ipaglaban, naniniwala pa rin ako sa kasabihan na hindi natin maaaring ibase ang talino ng isang tao sa loob lamang ng unibersidad o paaralan. mas malalaman mo rin ang laman ng utak at puso nya sa tunay na buhay, at sa paninindigan. hindi mo aakalain na yung tahimik na yon ay may nais pa lang iparating at sabihin. bilang isang media practitioner, mahalaga na aware ako sa mga napapanahong balita sa loob ng bansa, maging sa labas. isang beses ay nakausap ko siya at hiningi ang kanyang opinyon.. hindi niya ako sinang-ayunan bagkus ay pinilit nya kung ano ang alam niya, o sa tingin nya ay tama. at eto ang isa sa bagay na wala na ang mga ibang kalalakihan ngayon, hindi na nag-e-exist sa kanila ang salitang ‘paninindigan’. kumbaga mas nauuso na ngayon ang spiral of silence lalo na sa mga ibang lalaki na mas pipiliing maglaro kaysa intindihin ang bagay na hindi naman ‘daw’ makakaapekto sa buhay nila. bakit pa ‘daw’ nila iisipin, diba?

s’ya rin yung tipo ng tao na walang pake sayo. oo, wala siyang pake sayo, babae ka man, not unless you’re his mother or you’re Kim Domingo. syempre lalaki pa rin siya, mahilig pa rin sa ‘malaking future’ si kuya mo. mabanggit ko na rin, NGSB kasi siya. hindi yata sya aware kung paano ba kumausap ng babae o makapagpa-amo ng babae.. pero ewan ko ba, kahit hindi nya ako pinapansin, inaaway, at pinapagalitan, gusto ko pa rin siya. oo naman, nagkakagusto siya sa babae pero hindi rin siya marunong umamin, kaya sa akin niya ikinuwento ang babaeng kanyang natitipuhan. ako’y napa-‘edi wow’. kahit masakit, hindi ko naman pwedeng ipilit. gusto ko na sana lumaklak ng realidad vitamins eh. kung dati nagagawa niyang mag-text sa akin ng ‘good morning’, ngayon hindi na. baka kasi hindi na ako yung taong naiisip nya na maaaring makinig sa kanya. o malay mo busy lang sya. teka, sino ba ako? check your position, girl. check the label. laklak na din ako Nido.

tahimik lang siya, napakabilis niyang magalit at mainis kahit maliit na bagay. imbis na mainis din ako, sa tingin ko pa nga ay ang cute nya. oh diba, iba talaga ang kanyang charisma. hindi niya nakakaliligtaang magsimba kada-linggo, pero hindi din sya perpekto dahil nagmumura sya, pero hindi sya dapat husgahan lang dahil dun, minsan nadadala lang ng damdamin nya. minsan hindi na nya kaya ang mga pangyayari, bunga ng inis, galit sa bagay-bagay. gusto ko syang alagaan pero alam ko namang malakas sya, pero gusto ko pa rin maging gabay sa kanya, diba nga “it takes two to tango”, and “no man is an island”, lagi pa kaming duo sa bot lane. bakit kasi hindi na lang ako? hindi ko naman kasi siya ma-gets, at M.U daw kami, dahil napakalabo daw ng ugnayan namin (malabong ugnayan), oo kasinglabo ng mata nya. nandito na ako sa harap n’ya pero lumilingon pa siya. hiling ko lang talaga ay sana gawin nya ang gusto nya nang hindi sya nasasaktan. kung pwede ko lang sya ligawan ngayon na kaso alanganin pa. pero handa naman akong maging kaibigan nya, taga-comfort sa mga problemang dadating sa buhay nya. kaya sa magiging unang girlfriend nya, ay girl, napakaswerte mo kaya alagaan mo na lang muna siya para sakin.. kasi ikaw yung tinitingala nya ngayon. ayoko syang masaktan, pero gusto ko syang matuto. basta ako’y nandito. 

marahil mabasa ko ulit to sa susunod na araw, marahil hindi ko na siya gusto sa time na yun, pero maaalala ko siya. dahil dahil sa kanya nagawa kong ilabas ang mga saloobin ko. nakagawa ako ng mga ‘simpleng obra’ na talagang galing sa puso ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s