Dito muna tayo

pano ko nga ba to sisimulan? wala kasing pumapasok sa utak ko. hindi ko mahanap yung tamang salita para dito sa nararamdaman ko.
pano ko ba ipapapaliwanag to? pano ko ba maipipinta yung tuwa at saya na ibinigay mo sa puso ko? isusulat ko ba, “dug dug dug dug” yung mas malakas pa, “DUG DUG DUG DUG DUG” kulang pa. hindi mo maiintindihan kaya dito muna tayo hangga’t nangangamote ako.
naisip ko, bakit mas marami akong naisusulat pag malungkot ako? bakit hindi ko isulat ang mga pangyayaring nakapagbigay saya sakin?

pumasok na ang taon, at biglang pasok ka rin sa buhay ko. ang bilis ng pangyayari.
hindi ko alam kung saan nanggaling yung hindi maipaliwanag na saya pag kausap ka, yung mga kilig na hindi mapawi,
yung mga ngiting hindi mo maalis,
yung pakiramdam na masasabi mo sa sarili mo, 
“eto na, siya na ba?” “sana s’ya na.” hindi ko alam kung sang lupalop ka ng mundo naroroon pero isa lang ang gusto ko sabihin sayo, “gusto kita. pwede ba akin ka na lang?” kaso aaminin ko natatakot pa ako, kaya eto na lang ang sasabihin ko, “hintayin mo muna ako ha.” pwede bang dito muna tayo? masaya naman ako. ikaw masaya ka ba? diba masaya ka? kakasabi mo lang. 

dito muna tayo.

kung saan gusto mo ako at gusto kita, pero wala akong nararamdamang ilang. 

kung saan kahit nagseselos ako sa mga nakakausap mong babae, ay agad mo rin silang nilalayuan. hindi ko alam, pero pano mo nagagawa yun? sino ba ako? ano na ba ako sayo?

kung saan gustong-gusto mong napapatawa ako, at sabi mo pa’y gustong-gusto mong naririnig ang tawa ko at boses ko.

kung saan nararamdaman kong espesyal ako dahil pinagbabawalan mo ako sa mga bagay na ayaw mo. pinaalalahanan ako sa mga bagay na nakakalimutan ko at sa pagbibigay sakin ng panahon at inspirasyon.

kung saan nasasabayan pa natin ang hilig ng isa’t-isa pero alam din natin pano ito limitahan. sinusunod mo ako pag kailangan mag-aral, review muna. sinusunod mo ako kung gusto kong umuwi ka na. sinasabi mo sa akin ang mga ginagawa mo, at nagti-tiwala ako sayo. kasi ‘yan ka.

kung saan handa kang hintayin ako, at pinipilit mo talagang mag-aral ng mabuti gaya ng gusto ko. hindi ko alam ang iilang dahilan bakit gusto mo ako. pero salamat. dahil gusto rin naman kita, kaya dito muna ako.

hindi ko alam kung hanggang kailan pero pwede bang dito muna tayo? 

dito muna tayo sa panahong masaya tayo at walang ibang iniisip.

dito muna tayo sa mundo na tayo pa lang ang may alam, sa mundo na wala pang nangingialam.

dito muna tayo.

dito ka muna sakin.

photo from Weheartit

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s