Bingi

pakikinggan mo ba ang taong hindi naman marunong makinig?
paano mo nagagawang tawanan ang isang taong nagsasabi ng kung ano ang kanyang nasa isip?
paano n’yo maririnig ang boses ng mga taong ‘to kung ayaw n’yo namang manahimik?
dahil ba sa tingin mo ay sapat na ang kaalaman mo para maging matibay ang iyong tindig?
dahil ba sa tingin mo ay tama ang lahat ng lumalabas sa iyong bibig?
dahil ba masyado kang nilamon ng iyong kapangyarihan at sa iba’y wala kang bilib?
o dahil sadyang ika’y bingi?
at sarado ang iyong isip.
o dahil ikaw ay bingi.

ikaw ay bingi.

patuloy ang pagsasalita nya habang tinatawanan sya, alam nya, pero nagpapatuloy sya. walang nakikinig pero tinutuloy nya.
napatingin ako sayo habang tumatawa ka,
“ano bang alam nito?” tanong ko sa sarili ko at natawa ako.

gumawa ako ng senaryo sa utak ko, kung saan nasa harapan mo ako at may sampung mikropono sa harap ko, at sampung speakers na nakatutok sa mga tenga mo. “maririnig mo na kaya ‘to?” natawa na naman ako.

napansin mo ako habang nananahimik akong tumatawa sa loob ko, “anong tinatawa mo?” gusto ko ring ibalik sayo yung tanong, “ano rin bang tinatawa mo?”, pero nanahimik ako gaya ng lagi kong ginagawa.

bumalik ang senaryo sa utak ko, nagsasalita na pala ako.

“sino ka na ba? nasaan ka na ba? parang ang taas mo na, pero nakakapa pa kita. nakakapa pa kita at kakalabitin pa kita para sabihin sayong sana makinig ka. alam mong ginagalang kita dahil kaibigan kita, pero bakit hindi mo yun maibalik bilang kaibigan? kailan mo ba ako kaibigan? pag may kailangan, yung tipong agad mong malalapitan. yung masasandalan pag wala ka nang makakapitan, o yung makokopyahan pag may exam kinabukasan?”

nagising ako sa kawalan at agad na napatingin sayo dahil sa sinabi mo, “sana naman gumawa yung iba ah. sana lahat tayo kumilos.”, parang gusto kong kumuha ng salamin, iharap sayo, at ipaulit ang sinabi mo.

sino bang hindi kumikilos dito?

NAKAKATAWA.

may kaibigan bang walang tiwala sayo?
may kaibigan bang ang tingin sayo ay hindi mo kayang gawin ‘to?
may kaibigan bang susukatin ang kakayahan mo?
may kaibigan bang hahanap ng ibang tao kasi mas kaya nilang gawin ‘to?
may kaibigan bang pag gipitan na ay hindi na titingin sayo?

ay, oo, meron.

meron, at ikaw ‘yon.

“nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. napapaisip ako ano bang kulang sa kakayahan ko? lahat yun ay dala mo. wala kang karapatang husgahan kung ano ang nailalabas ko. kung ito pa lang ang naipapakita ko. lalong wala kang karapatang kunin ang ideya ko at akuin iyon na galing ‘yun sayo. wala ka nang maloloko dito.”

INTELLECTUAL PROPERTY.

baka hindi uso sayo,
baka akala mo lahat ay sayo.

maaaring may boses ka,
pero bingi ka.

maaaring pinakikinggan ka pa pero ‘wag mong hintayin na maging sarado ang tenga ng iba, gaya ng ginagawa mo sa kanila.

nahahawakan pa kita,
nakakapa pa kita,
at kakalabitin kita,
para sabihing makinig ka.

MAKINIG KA NAMAN.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s