Memento

The good memories hurts more than the welts. And I wonder how a heart can hold so much pain when it is a fist of an organ.

 The Girl Who Fell

by S. M. Parker

Advertisements

‘If it’s Unwanted, It is HARASSMENT’ —MTPD

r-catcalling-large570

Gusto ko makipagkwentuhan sa inyo and at the same time, gusto ko rin i-explain ang side ng ibang nakakaranas nito.

Catcalling

Paninipol

Pagtawag ng kung anu-anong katawagan sa isang babae/lalaki.

Pagtitig at pagsunod ng tingin sa isang babae/lalaki.

Online catcalling.

At kung anu-ano pa, sige, idagdag niyo na.

Sige mga bes, tutal equality rin naman ang isa sa pinaglalaban ko. alam kong hindi lang babae ang nakakaranas nito, kundi may mga lalaki rin talaga.

At oo ha, hindi rin ligtas ang mga babaeng katulad ko na hindi kagandahan sa mga ganitong senaryo.

Hindi naman talaga ako pansinin, hindi ako sanay, at lalong ayaw ko masanay kasi ayaw ko rin naman nang pinapansin ako, pero, kaso, kahit ano ata itsura mo, suot mo, kung makitid, bastos, at walang modo ang naka-encounter mo, mangyayari at mangyayari pa rin yun sayo. Ako yung tipo na kung may nagba-basketball sa isang court o isang daan, mas mabuting umikot na lang ako ng way kahit malayo, go lang kaysa mapansin ako. opo, iniisip ko rin kayo. hindi ko pa rin kayo fully huhusgahan, ayaw ko pa rin makaabala sa laro nyo. Ako yung tipo na hindi nagsa-sando pag lumalabas, oo, biniyayaan tayo ng konting future pero hindi ko yun ibinabandera kaya mas gugustuhin ko pa rin na magt-shirt na lang pero, oo, nagsho-shorts ako pero hindi yung “short na nga tapos short pa” yes Shehyee. nag-i-skirt din ako, pero yung yung formal attire ang itsura at uniform ko sa school, sure naman ako na hindi namin kasalanan na yun ang uniform namin. Hindi rin ako yung tipo na palakaibigan nang basta-basta sa mga lalaki at ayaw rin naman nila ako kaibiganin, hindi ako nakikipag-inuman, wala tayong bisyo mga igan.

Alam natin ang tingin ng isang nag-a-admire sa isang manyak. minsan nga pag tinitignan tayo, sige palampasin na lang natin kasi wala namang ginawang kapansin-pansin, lalong wala ‘to sa “pag pangit yung tumingin, manyak. pag pogi, nag-a-admire” bes, kung sa iba ganun sila, may iba pa rin na hindi ganun at syempre isa ako dun, bukod sa loyal ako, at lalong hindi ako gustuhin, eh hindi ko rin hilig mapansin. maraming maitsurang basketball player, pero bakit hindi daanan? wala sa muka yun, mapapansin talaga natin ang tingin ng isang MANYAK sa tingin na simple lang, tingin na ‘baka naman maganda lang ako today’ ganern.

Skirt ang uniform namin sa school at madalas nagca-cardigan na ako sa itaas para matakpan ang blouse ko dahil sa ating future at dahil gusto ko rin naman. minsan umuuwi na ako nang mga 8-9pm depende sa traffic, siguro 11pm pinakalate dahil minsan may activities na kailangan ng practice at mabuti tayong estudyante. siguro mga 2 years ago, etong lalaking ‘to na walang modo, eh lagi akong sini-sitsitan, minsan sasabihin, “pahingi naman ng number mo ineng para sa pamangkin ko” bes, dinadaanan ko na lang, wag na lang natin pansinin. kahit halos every other day lagi akong pinapansin siguro sinanay ko na lang sarili ko na wag nang pansinin kasi nga baka wala lang magawa sa buhay nyang puno ng kwenta. ISANG GABI, nilapitan nya ako, itago na lang natin sa pangalang “Ogag”, siguro nasa edad mid 30s na si Ogag, so ako si mabait, ginagalang ko pa sya. nasa labas ako at hinihintay mama ko, naaalala ko pa, umuulan nun. nilapitan nya ako at nagsimulang magtatanong, “anong oras uwi mo bukas?”, syempre sa pag-aakala na baka naman mabait ‘to? medyo sinagot ko pa ng konti yung tanong hanggang sa naweirduhan na ako sa mga tinatanong niya, “may boyfriend ka na ba?” “pahingi ng number mo” “kain tayo bukas”  kakain daw kami, naisip ko bakit di niya ipakain sa anak niya yun? kasi nga tanga, walang modo, bastos. OO, naaalala ko pa lahat. Simula nang gabing yun nabuo yung takot sakin na baka ano gawin nito at nandun din yung pandidiri, oo, kadiri sya. hindi ko inakala na ganun ako matatakot kasi malakas ang tingin ko sa sarili ko pero nanggigigil ako kasi hinayaan ko, kasi wala ako magawa para sa sarili ko. hindi ko sinabi sa mga magulang ko, natuto ako magdala ng blade kahit sa labas lang ng bahay, kahit bibili lang ng candy pero mas mabuti na hindi na talaga ako lumalabas kundi school at bahay na lang. Hanggang naglaon medyo humupa yung takot sa puso ko, pero hindi tumitigil yung mga pambabastos nya. yung simpleng pag-hi sakin, feeling ko sobrang nababastos na ako. yung pagsitsit, yung pag-hoy sakin lalo na pag may kausap ako sa cellphone at nung time na yung nag-init ang dugo ko. nainis ako sa sarili ko kasi feeling ko sinasanay ko na binabastos ako. napuno ako at sa ‘di inaasahang pagkakataon eh nakaharang sya sa dadaanan ko kaya sinabihan ko sya nang pasigaw ng “TABI” yun lang yung salita na nakaya kong bitawan para sa sarili ko sa lahat ng pambabastos nya. parang ang hina ko. sumagot pa sya ng “ano? ayos ka ha” parang hindi niya ine-expect na lalaban na ako, na sasagot na ako. hinugot ko ang lakas ng loob ko para sabihin na “bakit? manyak ka diba?” at pag makapal ang muka mo syempre sasagot sya ng, “PANO MO NASABING MANYAK AKO? NADALI BA KITA?” at nagsasabi pa na sasampalin ako. SUPER TRIGGERED AKO BES. hindi ko na ikekwento ang palitan nang mga linya hanggang sa marinig ng mama ko, pero ang nakakaloka lang dun eh ibuking nya ang sarili nya “pinapahingi ng katrabaho ko yung number nya”, lumapit sakin ang kapatid ni Ogag na parang tumatawa at hindi naniniwala, at siya ang nagsorry. bakit siya? Hindi siya ang gumawa nun para tanggapin ko ang sorry niya. it’s more fun in the Philippines nga mga igan!!! ang kapal ng muka gumawa ng kalokohan pero pagdating sa paghingi ng kapatawaran nawawala yung angas.

Hindi ako palapansin sa mga issue sa lipunan, pero hindi sa wala akong paki, kundi takot ako mabatikos pero gusto ko i-open at maglakas ng loob. alam naman natin na magkakaiba pa rin tayo ng opinyon sa bagay-bagay, at OPO, GINAGALANG KO PO YUN. pero ito po yung akin. 

1. HINDI PORKET HINDI MO NADALI YUNG BABAE O LALAKI EH HINDI KA MANYAK, simpleng pagcatcall, pagsipol, pagsitsit nang may halong kamanyakan o maramdaman lang ng biktima na nabastos siya, oo, manyak ka na. It is form of sexual harrasment, street harassment. Mahiya ka naman pano kung sa anak mo, sa nanay mo, sa kapatid mo nangyari yan?

2. KAILAN PA NAGING COMPLIMENT O PAPURI ANG CATCALLING? yung tipong dapat matuwa ka pang binastos ka kasi parang ang ganda o pogi mo pala pag nabastos ka na. walang ganon mga igan, maraming maganda at maayos na way para maiparamdam sa isang babae o lalaki na maganda o pogi siya pero hindi sa ganong paraan. Be creative with a heart!

7f8182f5ebff54c7d0e1ade6bd2cb308

3. HUWAG SISIHIN ANG BIKTIMA. STOP VICTIM BLAMING!

HINDI KO NAMAN ATA NILAHAT LAHAT NG LALAKI O BABAE. HEHE 😚

 

Walang Pambili

Ayun, syempre magbabalik ako. Ang lungkot ng mundo ko simula nang mawala ka sa piling ko. Naalala ko pa nung una kang mapasakin, napakasaya ng feeling ko, kaya nung mawala ka ‘di ko na alam gagawin ko. Salamat sa mahigit isang taong nakasama kita, mga pagda-drama ko, pag lubos na kasiyahan ang nararamdaman ko, minsan naman pag naglalambing ako. Halos lahat ata ng sikreto ko nasabi ko sayo. Pero, hindi nga ba kita pinahalagahan para mawala ka sakin nang tuluyan? Alam kong ayaw mo ring mawala sakin, pero sadyang may nangailangan at ako ang kanyang nakitaan. Salamat sa computer shop na siyang aking naging panandaliang kadamay. 

Mahigit isang buwan na rin nang lisanin nya ako. Nawalan lang naman ako—NANAKAWAN, NADUKUTAN—ng cellphone na iningat-ingatan ko ng isang taon ang karamay ko buong araw, maghapon. Hindi iyon galing sa aking ipon pero ang matindi don, bigay lang sakin ng magulang ko ‘yon. Hindi tumatae ng pera ang magulang ko. Kaya imbis na magnakaw kayo, ang lalaki ng katawan nyo, MAGTRABAHO KAYO. Mga walang pambili! Pashtadi!!!!!!