ang tagal kong nawala pero ang dami kong drafts na naiwan. dumaan na birthday ko, naka-50 hours na ako sa isang ojt ko, nagtatry na rin ako ng bagong journal, pero naiisip ko talaga ano pa bang pwede kong isulat? minsan aabot sa time na nalulungkot ako kasi nawawalan na ata ako ng idea, pero babalik pa rin ako at babalik kasi nga gusto ko pala nito, gusto ko dito, gusto ko talaga ‘to, gusto ko talaga magsulat. pero syempre kulang pa knowledge ni ati girl so nagbabasa talaga ako ng novels, kakatapos ko nga lang sa Anna Dressed in Blood, ayun bongga ratings ko kasi hilig ko talaga mga ganung genre. minsan kukuha ako ng ideas, “kung magbook reviews na lang kaya ako?”, onga naman, bakit hindi diba? marami-rami na rin akong nabasa, kaso sabi ko “hindi naman ako ganun karunong pa sa english”, so, ano nga bang point ko?
ano nga bang point ko?
isa akong mass comm student pero ‘di pa rin ako fluent sa english. hindrance? oo ata bes. kasi expected ata bongga na kami dun lalo pa’t 4th year na ako. nakakahiya ba? oo, nahihiya ako. nakakababa ba ng confidence? oo, sobra. sumabak ako sa interview na kinakabahan kasi english ba o ano? ano bang panlaban ko? super baba ng tingin ko sa sarili ko pero super thankful ako kasi nandyan friends ko. ako kasi si takot sa rejection. sino bang hindi? eh tanong ba naman samin ng prof namin dati, “how are you a mass comm student yet you can’t express yourself in english?” mga 100 times sa buong sem yun bes, so yun tumatak sakin. super natatakot ako sa future ko, pero sabi ko “magbabasa ako kasi makakatulong daw ‘to” at oo. dati ang tagal ko magbasa ng novel na english, pero ngayon 2-3 days na lang. pag may ‘di ako naiitindihan, webster agad nandyan. sa ngayon, masaya na ako dun kasi nakikita at napapansin ko na may improvement. so, ano nga bang point ko?
so.. ano nga bang point ko?
nag-umpisa ako magsulat ng feature articles last year trying hard mag-english at palyado sa grammar, kasi super gusto ko magsulat. gustong-gusto ko magsulat. pero sabi ko “nahihirapan at nahihiya ako.” kaya dito ako naglalabas sa wordpress, malayo sa judgmental na mundo ng facebook, sa mga ilang kaklase ko na makajudge sa english eh akala mo perfect, walang masama magtry, okay? walang masama. kaya sana kung nagtatry yung isang tao, wag tawanan bagkus turuan, eh kaso nga, eto na tayo ngayon.. nakita ko mga poems and thoughts nyo na super natutuwa ako kasi may tagalog, like “omg pwede pala?” mga ganung moments. kaya simula nun nagtry na rin ako. nagtry at magtatry pa. super ine-encourage ko yung iba na nahihiya at natatakot magtry kahit gusto nila.
gaya nga ng tanong ko, ano pa bang pwede kong isulat?
Marami pa akong pwedeng isulat, mga tula, novela na maaaring maging teleserye o isang pelikula, encouraging blogs and thoughts, marami. sobrang dami. etong simpleng naiisip kong ‘to, naisusulat ko rin ‘to, lahat ng bagay na naiisip mo at gusto mo ay maaari mong isulat. hindi basehan ang lenggwahe, nasan ka ba? at least handa kang matuto diba? sa susunod, galingan mo na.
One little tip, READ.